Monday, September 21, 2009

Pangako…napapako????


(http://www.flickr.com/photos/qthomasbower/3470650293/)

By:Glacy Ann S. Bantolinao*

Ang magmahal ang isa sa pinakamagandang pakiramdam sa ating buhay. Nagiging masaya tayo at masigla dahil mayroon tayong inspirasyon. Sa araw-araw nating gawain kasama palagi sa ating isipan ang ating pinakamamahal.

Masasayang araw na pinagsamahan kailan man di malilimutan.Mga tawanan, kwentuhan, asaran at minsan pa nga tampuhan ay laging nakatatak sa ating isipan. Mga pangakong kayo lang dalawa magpakailanman anu’t ano man ang mangyayari.Pangakong ikaw lang sa buhay niya at siya sa buhay mo. Pangakong magsasama kailanman.

Ngunit sa buhay natin hindi maiwasan ang tayo’y masaktan. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao kung sa isang iglap ay nasaktan ka ay galit ang mararamdaman mo sa kanya.Pangako, pangako, pangako lagi namang napapako.Sa tagal ng pinagsamahan niyo isang araw, isang minuto, isang Segundo wala na wasak na lahat ng pangako.Sayang lang ang mga sandaling pinagsamahan niyo kung sa isang pikit ng mata ay mawawala lahat ng pangako niya.

Sana bago tayo bumitiw ng pangako ay sisiguraduhin natin na matutupad ito para hindi aasa sa wala ang taong pinangakuan at hindi masasaktan ng lubusan Maging kontento tayo sa buhay at anu’t ano man tuparin ang binitiwang pangako.


*Minsan ng pinangakuan pero nasaktan kaya sawa na sa mga pangako.

No comments:

Post a Comment