Nagmahal at nasaktan. Paulit-ulit ko na yang nadaanan sa buhay ko. Di ko alam kong ba’t di ako napapagod sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Dahil ba sa masaya ako sa ginagawa ko o sa di pa ako natuto? Ilang beses na akong nagmahal at ilang beses na din akong nasaktan.
Minsan napaisip ako na baka malas lang talaga ako sa pag-ibig. Talaga bang sasaktan ka lang ng taong mamahalin mo ng tunay? Maraming beses na akong nagkaboyfriend pero niloloko ako. “ang tanga-tanga ko” sabi ko sa sarili ko. Tanga ba ang magmahal ng totoo o todo lang talaga akong magmahal?
Isang araw may nakilala ako. Minahal ko siya kahit mahirap. Nagpakatanga ako dahil mahal ko siya. Ang totoo may nobya siya at di ko alam kong ba’t di ko siya mabitawan. Mahal niya daw ako, sabi niya. Nagbitiw ng mga pangakong pilit ko namang pinaniwalaan. Pero bakit sa huli talo parin ako? Ginawa ko na lahat, ang lahat-lahat. Kahit tumutol na ang mga kaibigan ko sa pagmamahal ko para sa kanya. Di ko sila pinaniniwalaan at pinakinggan dahil ang tanging alam ko mahal ko siya. Ang tanging pinaniwalaan ko ay ang pagmamahal ko sa kanya. Sobra akong nasaktan sa mga nagawa niya pero sa kabila ng lahat minahal ko parin siya.
Sinabi ko sa sarili ko na pagdating ng panahon mapapagod din ako sa tangang pag-ibig nato. Pagdating ng panahon makakaya ko din na wala siya. Pagdating ng panahon makikita at mamahalin din ako ng isang taong mahal ko.
Dumating ang araw na lumayo na ako. Mahirap pero kinaya ko. Ang tanging ginawa ko ay nagenjoy kasama ang mga kaibigan ko at nagdasal sa mga pagakakataong tinulungan niya akong maging matatag sa kabila ng lahat na napagdaanan ko. Alam kong di ako pababayaan ni lord.
Dumaan ang ilang buwan at nakilala ko ang isang taong minahal ako. At sinabi ko sa sarili ko “ answered prayer na ba ito?”
by Daren Tormis- umaasang hindi na masasaktan pang muli. =)
Thursday, August 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment