Monday, August 17, 2009

“TECHI” addict

Dahan-dahang nagsilabasan ang mga makabagong teknolohiya . At ito’y mabentang mabenta mapamura at kahit sa mataas na halaga.

Kabilang na ditto ang cellphone, computer, ipod, at digital camera sa mga teknolohiyang patuloy na tinatangkilik ng mga tao, lalong lalo na ng mga kabataan ngayon.

Malaking tulong ang naibigay ng mga teknolohiyang ito sa mga tao, lalong lalo na pinapadali nito ang mga gawain. Noon, sinusulat lamang sa papel at inilalagay sa sobre para lamang maipadala ang mensahe sa taong malayo sayo, samantalang ngayon isang pindot lang sa cellphone, abot mo na ang mensahe at tawag mo. Gaya rin ng computer, dati nahihirapan ang mga estudyante sa kanilang mga mahihirap na assignments, pero ngayon isang “research” lang nila sa internet masasagot na nila agad ang mga pinakamahirap na assignment nila.

Maraming kabataan ang naaaddict ditto, din a pumapasok sa paaralan ang ibang kabataan para lamang maglaro ng mga computer games at madaling-araw pa kung umuuwi at ang iba naman ay naaaddict na sa kakatext ng magdamag gamit ang kanilang mga techi na cellphone. Nagiging tamad na ang ibang kabataan sa mga gawaing bahay dahil sa umaasa lang sila na techi na ang kanilang mga kagamitan.

Hindi natin masisisi ang mga taong naaddict sa mga makabagong teknolohiyang ito. Inimbento, inilabas, ginamit at ngayo’y pinagkaguluhan ng mga tao. Dahil sa pagkaaliw silay naaaddict na. Pero payo lamang po sa mga techi addict, gamitin ng maayos ang mga teknolohiyang ito at ating pahalagahan.



By Daren Tormis – isa sa mga “techi” addict! Ü

No comments:

Post a Comment