ni Rose Marie Jumawan
Tuwing buwan ng Agosto, ipinadidiriwang ng mga Pilipino ang buwan ng wika. Lahat ng paaralan sa Pilipinas ay nagkakaroon ng programang para sa pagdiriwang na ito. Nagkakaroon ng paligsahan sa mga larong pinoy, pagandahan ng damit FilipiƱa at pagpili ng Lakan at Lakambini ng Wika. Lahat ng mag-aaral ay obligadong sumali dito. Kaya ang iba ay napipilitan lamang at hindi naiintindihan ang tunay na kahulugan ng pagdiriwang na ito.
Bakit nga ba natin ipinag-didiriwang ang buwan ng wika?Paano nga ba ito nagsimula?
Wikang Filipino ang ating pambansang wika. Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang bangka patungong Europa.
Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino
Hindi natin maipagkakaila na tinuturuan ng salitang Ingles ang lahat ng mag-aaral sa ating bansa. Dahil ito ay nakakatulong sa atin upang hindi tayo mahirapan sa paghanap ng trabaho. Ngunit, hindi parin natin maalis sa puso't isip ang ating natatanging pambansang wika. Dahil sa ating pambansang nagkakaisa tayo, nagkakaintindihan at malaya nating ma-ipahiwatig ang ating damdamin.
Ang ating Pambansang wika ang syang nagbubuklod at nagiging paraan upang magkaintindihan ang bawat mamayan ng ating bansa.
Thursday, August 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
char lang!lakambini daw xa..haha
ReplyDeletego lakambini!
ReplyDelete