Monday, August 10, 2009

Balik-tanaw sa Alaala ni Cory

ni Irene dela Cruz


Bawat katapusan ay may kalakip na bagong simula, at ang simulang ito ay 'di nangangahulugang paglimot sa nasimulang adhikain bagkus isang 'pagpapatuloy' ng mga yugto o kabanata na s'yang nagbukas ng kamalayan ng bawat nilalang sa mundo.


Isang patunay ng kanyang kagitingan ang tinatamasang kalayaan nating mga Pilipino ngayon. Isang babae na walang takot na hinarap ang mga panganib laban ng Batas Militar. Huwaran kung s'yay maituturing dahil sa kanyang wagas na pagmamahal sa bayan


Kilala ng lahat si Cory, bata man o matanda ay tantong siya ang simbolo ng demokrasya. Isang tunay na tagapagtanggol ng lipunan at ina ng bayan.

Balik- Buklat

Sa pagpanaw ni dating Senador Benigno Aquino, Jr. noong August 1, 1983, ipinagpatuloy ni Cory ang nasimulan ng kanyang asawa at muli, binuhay n'ya ang puso ng bawat Pilipino at binuksan ang pinto ng pag-asa na gumabay upang maganap sa taong 1986 ang People Power Revolution o Yellow Revolution dahil sa mga dilaw na ribbon na iwinagayway ng mahigit dalawang milyon ka tao kabilang na ang iba't-ibang politiko, militar, at religious people katulad ni Jaime Cardinal Sin.

'Di n'ya iniwan ang taong- bayan sa gitna ng laban at pinanindigan ang huling salita ng kanyang asawa bago ito namatay , "The Filipino is worth dying for".


Katapangang tumapos sa dalawampung taong pang-aabuso ng rehimeng Ferdinand Marcos na naganap sa Epifanio delos Santos Avenue o EDSA..

Katapangang nagpalaya sa atin,,at kagitingang kailan may 'di maibubura sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Isang tunay na huwaran, isang maka-tao, maka-bayan, at higit sa lahat maka-Diyos na Pangulo..


Ngunit bayani man ay namamatay rin!


Siya man ay lumisan, mananatili sa ating mga puso ang kanyang kabayanihan!

Mas masarap isipin na siya ay lumisan ng may saya,,sapagkat muli na n'yang makakapiling ang kanyag asawa..


Nasaan ka man ngayon, hangad namin ang 'yong kapanatagan..
Farewell to you!


Salamat President Cory!










No comments:

Post a Comment