Tuesday, August 11, 2009

Remind me of you

Irene dela Cruz

Bawat katapusan ay may kalakip na bagong simula,, at ang simulang ito ay 'di nangangahulugang paglimot sa nasimulang adhikain bagkus isang 'pagpapatuloy' ng mga yugto o kabanata na s'yang nagbukas ng kamalayan ng bawat nilalang sa mundo..

Isang patunay ng kanyang kagitingan ang tinatamasang kalayaan nating mga Pilipino ngayon.. Isang babae na walang takot hinarap ang mga panganib laban sa Batas Militar. Huwaran kung s'yay maituturing dahil sa kanyang wagas na pagmamahal sa bayan.

Kilala ng lahat si Cory, bata man o matanda ay tantong siya ang simbolo ng demokrasya. Isang tunay na tagapagtanggol ng lipunan at ina ng bayan.
Balik- Buklat
Sa pagpanaw ni dating Senador Benigno Aquino Jr. noong August 1, 1983 , ipinagpatuloy ni Cory ang nasimulan ng kanyang asawa,,,at muli,,,, binuhay n'ya ang puso ng bawat Pilipino at binuksan ang pinto ng pag -asa na gumabay upang maganap taong 1986 ang People Power Revolution o Yellow Revolution dahil sa mga dilaw na ribbon na iniwagayway ng mahigit dalawang milyon ka tao kabilang na ang iba't- ibang pulitiko, militar, at religious people katulad ni Jaime Cardinal Sin.
'Di n'ya iniwan ang taong- bayan sa gitna ng laban at pinanindigan ang huling salita ng kanyang asawa bago ito namatay , "The Filipino is worth dying for".


Katapangang tumapos sa dalawampung taong pang aabuso ng rehimeng Ferdinand Marcos na naganap sa Epifanio de los Santos Avenue o EDSA..
Katapangang nagpalaya sa atin,,at kagitingang kailan may 'di maibubura sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Isang tunay na huwaran, isang maka- tao, maka-bayan, at higit sa lahat maka-Diyos na Pangulo..
Ngunit bayani man ay namamatay rin!
Siya man ay lumisan, mananatili sa ating mga puso ang kanyang kabayanihan!
Mas masarap isipin na siya ay lumisan ng may saya,,sapagkat muli na n'yang makakapiling ang kanyag asawa..
Nasaan ka man ngayon, hangad namin ang 'yong kapanatagan..
Farewell to you!
Salamat President Cory!

No comments:

Post a Comment